Bakit nga ba wala silang IMPACT sa atin?

Feel God’s Message in this Gospel:  Matthew 22:34-40

“Kamusta ka?                                                                                                                       … have you tried asking this to your “SELF”?

… ‘yong sa dami ng mga pinagdadaanan mo lately, at sa dami ng mga nalagpasan mo at na-accomplish, have you ever congratulated YOUrself?

… ‘yong sabihin mo sa sarili mong “i love ME” BEYOND those “selfie” shots & posts, nagawa mo na rin po ba?

Sabi kasi in today’s gospel, 38 This is the great commandment: 37  “You shall love the Lord your God with all your heart  and with all your soul and with all your mind.   You shall love your neighbor as yourself.

 Some of us may claim na “lusot tayo” & “not guilty at all” about “loving God w/ all our heart, soul & mind” – BUT some of us are “wounded child”! and not everyone of us know how to really love our “self”  — kaya naman we scarcely have the generosity to extend this love to others.

Madalas, may mga matang nakatingin sa atin pero ‘di natin sila napapansin dahil napaka-ordinaryo lang nila at nasanay na tayo sa kanilang kalagayan. Minsan, may “isang dosenang pigura” na nasa walang kulay na mundo ang binigyang “atensyon” ng isang magaling na pintor na si Joey Velasco in his “Canvas of Society”:

canvas of society, filipino children today, situation of young persons
Love your Neighbor as you Love YOURSELF!
  1. Si Nene, nakatira sa sementeryo, buhay-pusa, pakalat-kalat, walang kumakalinga.
  2. Si Joyce. 14 y/o na bata na nagluwal din ng isang bata.
  3. Si Tinay. Laging tulala, nanginginig, hawak ng mahigpit ang kanyang manyika.
  4. Si Itok Garganera. Bata pa lang tirador na, handang magbukas ng anumang de-susi, henyo, magaling sumagot, mahusay sa matematika.
  5. Si Emong. Uhaw na uhaw, pagod sa pangangariton mula umaga hanggang gabi. Maliit ngunit malakas ang katawan, palakaibigan, masayahin, mahilig magpatawa.
  6. Si Onse. Isang anak ng dancer. Namumulot ng scrap, madalas biktima ng masakit na biro dahil sa pagbebenta ng laman ng nanay nya.
  7. Si Buknoy. Tila takot-na takot dahil ‘di nakapag-uwi ng kanyang “tokang” de-lata . 7 y/o, walang sustansya ang kinakain.
  8. Si Michael. Ang Indiana jones ng tambakan. Lumalangoy sa napakabahong basura.
  9. Si Dudoy. Nakatira sa malalim na bahagi ng tulay, madilim at gutom ang buhay doon, walang masandalan lalo na kapag umapaw ang tubig.
  10. Sina Jun at Rosel. Mahirap ngunit masaya ang kanilang pamilya. May pangarap ang ama, Malakas ang pananalig sa Panginoon ng ina.
  11. Si Sudan, ang bata sa ilalim ng mesa, konti na lang ay bibigay na, pero gusto nya muna makakain ng masarap.

Ilan lang sila sa mga “nagkalamat na ang pagkatao” pero patuloy na umaasa na hindi naman totoo na “walang may paki-alam” sa kanila.

If only we would see them in real life – as I am inviting you to please take time to watch them in this video-link https://www.youtube.com/watch?feature=player_embedded&v=lA8UQ67lNm0

— maybe then, we would ask ourselves:  “bakit nga ba di ko sila magawang tingnan?”

– or kung nasusulyapan ko naman sila, “bakit nga ba walang silang “impact” sa akin?

“bakit nga ba di ko din magawang “magkaroon ng pakialam” sa kanila?

 My dear friends, Jesus has been very generous to us in His invitations for the past weeks in His gospels. Today, let us learn from this Canvas: “hindi dapat si Jesus na lang ang laging nagbibigay”!
 As we love God with all your heart and with all your soul and with all your mind.  Let us also be that “love” which our neighbors “long for”!

 We can never create that “impact” to anyone unless we allow God’s love to MOVE US beyond that canvas. #sunset

 photo credit: http://1.bp.blogspot.com/joey+velasco+-+hapag+ng+pag-asa.jpg

 published in The Feast CM Binan Bulletin, 26October2014

Advertisements

2 thoughts on “Bakit nga ba wala silang IMPACT sa atin?”

  1. pag nakikita ko ung last supper portrait…ang sarap kumain na kasalo si Papa Jesus…naiiyak ako para sa mga batang di nagkaroon ng responsableng magulang…naalala ko ung sabi ng co-teachers ko…lunch break namin…lumabas kami ng school para bumili ng food….nakita namin ung matandang pulubi…lahat kami nakatanaw sa kanya habang kumakatok sya sa isang gate para malimos….tatlo kami…sabi ko: meron kaya magbigay sa kanya….sabi ng isa sa co-teacher ko: nakakaawa naman at ung huli sabi nya: ano kaya ginawa nya ‘nung bata sya? napakaremarkable sa akin ng sinabi nya….bakit kailangan maranasan nya ang ganung buhay….kaya madalas sa orientation ko sa mga estudyante….lagi ko itong kinukwento at pinapaunawa ang kahalagahan ng edukasyon para sa bawat isa. Hindi importante sa akin kung magaling o mahina ka sa ingles o math…ang mahalaga tama ang ating ginagawa….

    Like

Tell me what you think about this

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s